Dra. Minguita Padilla

Kailangan Natin ng
Doktora sa Senado
Aalagaan Ka.

AKO PO SI MINGUITA

Ako ay isang doktor — isang ophthalmologist, gumagamot at nag-oopera ng mga mata, para magbigay liwanag sa paningin,  nang higit 34 years na.  Ako rin ang president ng Eye Bank Foundation of the Philippines, ang samahan na nagbibigay ng pag-asa sa mga bulag na nangangailangan ng corneal transplant sa bansa.  Halos 26 years na akong nagsisilbi sa ating eye bank.

Ako ay isang co-convenor ng mga Doctor for Truth and Public Welfare. Isa rin akong clinical associate professor ng PGH-UP College of Medicine at isang aktibong consultant sa St. Luke’s Medical Center, Global City.

Bakit Ako Tumatakbong Senador sa 2022

Nitong Pandemya, kasama ang maraming doctor, tumulong din po ako na mag-fundraising para sa mga hospital,. Hindi lang PPEs ang naidonate namin; pati mga unan, kumot, mattress, electric fan, pati washing machine para makalaba ang ating mga front liners na diretsyong nagduduty dalawang linggo kada duty, bago makauwi. In short, tuloy-tuloy ang pagtulong sa gobiyerno at sa bayan. Pero itong pandemya din ang naging dahilan ng malakas na udyok na hindi ko na kayang hindian.

Ang kulang na pagtugon sa pandemya, ang tila ba pagbibigay halaga sa negosyo higit pa sa kapakanan ng taumbayan, ang garapalang pagpapayaman ng mga taong nagsasamantala sa pandemya sa kabila ng labis na paghihirap nating lahat at kasama na din ang panawagan sa akin ng mga kapwa ko doktor. Ilan lang ang mga ito na naging dahilan kung bakit ko tinanggap ang nominasyon para tumakbo bilang senador.

Plataporma

Maraming problema ang dapat tugunan. Magbabanggit lang ako ng 11 na kailangan tutukan kaagad.

1. Pabilisin ang tugon sa COVID 19 at darating pang Pandemya
2. Ayusin ang sistema sa loob ng PhilHealth.
3. Siguraduhing ang libreng gamutan sa pamamagitan ng Universal Healthcare.
4. Tanggalin ang Kurapsyon sa gobyerno.
5. Solusyonan ang Supply Chain Management ng mga gamot.
6. Bigyang ngipin ang batas kontra Fake News lalu na sa gamutan.
7. Alagaan ang mga Health Care Workers.
8. Bigyang kalinga ang mga kabataan ukol sa Mental Health
9. Pahalagahan ang Organ Donation
10.Tutukan ang kalagayan ng mga magsasaka at mangigisda
11. Alagaan ang kalikasan at tutukan ang Climate Change
12. Igiit ang ating soberenya sa West Philippine Sea. Ang atin ay atin!

 News/Press

Mga Ilang Naibabalita at Nailalathala kay Dra. Minguita

Piling Video

Poor pandemic response spurs doctor Minguita Padilla to run for Senate

Iba Pang mga Video

Mga Mahahalagang Numero Ukol kay Dra. Minguita

Maraming nang nagawa si Dra. Minguita Padilla sa pribado o pampublikong sektor

34

Years as a Doctor

100

Patients served

26

Years in Public Service as Eye Bank President

30

Years fighting for better health care

Volunteer Now!

DOWNLOAD BUTTON

Dra. Minguita Padilla for Senator Movement